Kinokonsider ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pakikipagpulong sa mga dating Pangulo ng bansa para tutukan ang mga usaping bumabalot sa mga claim sa West Philippine Sea.
Ayon ito kay Presidential Spokesman Harry Roque at ang hakbangin aniya ay mas katanggap tanggap sa halip na i-convene ang national security council na panukalang ni dating AFP Chief of Staff at Senador Rodolfo Biazon.
Sinabi ni Roque na nabanggit sa kanya ng pangulo na walang nareresolba sa NSC batay sa naging karanasan nito sa pagdalo sa mga pulong dito kaya’t iniisip ng Pangulo na imbitahan na lamang ang mga dating Presidente gayundin ang ilang personalidad para magpulong sa isyu ng WPS.
Iginiit din ni Roque na walang nakakalito sa posisyon ng Pangulo sa WPS dahil walang teritoryong mawawala sa kanyang administrasyon.