Successor President.
Ito ang nakikita ni Congressman Edcel Lagman ng tunay na intensyon ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtakbo bilang Vice Presidente sa 2022 national elections.
Ayon kay Lagman , batid mismo ng Pangulo na walang immunity ang Bise Presidente laban sa anumang kaso kayat malinaw na panloloko ang alibi nitong makakakuha siya ng immunity kapag tumakbo sa Vice Presidential election.
Una nang inihayag ng Pangulo na panakot lamang sa kanyang kritiko ang pagtakbo bilang bise Presidente at nitong huli naman ay sinabing pinagbantaan siya ng kanyang mga kritiko na kakasuhan kaya’t tutuloy bilang Vice Presidentiable.