Maaaring nakapangalap na ng karagdagang ebidensya si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa bigtime umanong druglord na si Peter Lim.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos ang panibagong banta ni Pangulong Duterte kay Lim.
Posible anyang nakumbinse na ang Pangulo na sangkot sa iligal na droga ang negosyanteng Cebuano na kanya pang naging kumpare sa dinaluhang kasal noong 2016.
“There could be basis for that siguro sometime ago… eh baka marami nang ebidensya to convince the President that is really behind many operations concerning drug activities.
You must remember that Peter Lim, at one point denied that at siguro lalong pinaimbestigahan ni Presidente baka marami na siyang basis.” Ani Panelo
Matatandaang sinabihan ng Pangulo si Lim na magpakamatay na lamang ito sa halip na sumuko sa mga awtoridad.
“I am warning yung mga nasa Visayas. Peter Lim, if I were you I would commit suicide, never ever surrender to me alive, you will commit suicide. I-abbreviate mo na, ikaw pa magtali sa leeg mo (just tie a noose around your neck).” Pahayag ng Pangulong Duterte
—-