Posibleng sa Hunyo pagkatapos ng ramadan magtungo ng Kuwait si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay upang saksihan ang paglagda sa nabuong kasunduan sa pagitan ng pamahalaan ng Kuwait at Pilipinas na nagsasaad ng karapatan at kapakanan ng mga pilipinong manggagawa sa nasabing bansa.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola, pinag-uusapan pa ng dalawang bansa ang eksaktong araw ng pagtungo ni Pangulong Duterte sa Kuwait lalo’t kinakailangan din aniya ng libre ang nasabing araw para sa emir ng Kuwait.
Inaasahan namang magpapadala ng pormal na imbitasyon ang pamahalaan ng Kuwait kay Pangulong Duterte oras na mapagpasiyahan at maisapinal na ang nasabing petsa.