“Magandang ideya ang pagtakbo sa pagka-bise presidente sa 2022 elections”
Ito ang binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte kung pag-uusapan ang problema sa droga at iba pang isyu ng bansa.
Ayon kay Duterte, marami pa itong hindi nagagawa kung saan nais nitong ipagpatuloy pa kabilang na ang usapin sa pagtanggal ng ilang opisyal na sangkot sa corruption, pagbaba ng bilang ng krimen sa bansa, at mga proyekto sa imprastraktura.
Sinabi rin ng pangulo na maraming ka alyado nito ang hinihikayat siyang tumakbo sa pagka-bise presidente ngunit wala pa itong malinaw na tugon sa naturang posisyon.
Aniya, balak na niya magretiro kapag natapos ang kanyang termino sa pagkapangulo ngunit pinag-iisipan pa niya kung sino ang posibleng patatakbuhin bilang presidente sa susunod na halalan.
Sinabi pa ng pangulo na nangako ito kay House Majority Leader Martin Romualdez na susuportahan niya ito kung sakaling tumakbo ito sa pagkapangulo sa 2022 elections.