Susunod na tuturukan ng bakuna kontra COVID-19 ang mga Pilipinong mahihirap o nasa squatters area ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ulat sa bayan ngayong gabi ng Lunes, Marso 15.
Ayon sa Pangulo, matapos bakunahan ng mga health workers o frontliners susunod na bakunahan ang mga nasa squatters area kung saan mismong ang pamahalaan ang tutungo sa mga lugar na ito.
Kung matapos na ang health workers, kayo na ang sunod then kung gusto ng mga nasa gobyerno iyon namang may trabaho, may pera konti last na tayo, unahin natin sila. The priority would be really the squatters, and we go to the squatters area,″pahayag ng Pangulong Duterte.
Giit ng Pangulo, ito ay upang hindi na magkaroon pa ng dahilan ang mga mahihirap na Pilipino na magpabakuna laban sa naturang virus.
They do not have to go there because of lot of reasons would come in. Walang pera ‘di maiwanan ang anak, isa lang ang hanap-buhay, they take care of the children so they do not, sabihin na lang nila na bahala na. Iyon na lang, that is an expression of a resignation, iyang nagsasabi ng bahala na, that is indicative of a person lose hope. Hindi nga lang madali pero we will mobilize,″ wika ni Pangulong Duterte.—sa panulat ni Agustina Nolasco