Tiwala si incoming Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na si Pangulong Rodrigo Duterte ang siyang pinakamainam na panguna sa pakikipag-usap sa North Korea.
Kasunod ito ng naging joint statement ni Pangulong Duterte at Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa lahat ng mga stakeholder na bumalik sa negotiating table para pag-usapan ang banta ng nuclear weapon ng NoKor.
Ayon kay Roque, kuwalipikado ang Pangulo na pangunahan ang diyalogo lalo’t iginalang at kinikilala siya sa rehiyon.
Hindi naman masabi ni Roque kung mayroon magiging impact ang Pilipinas sa NoKor lalo’t alam naman ng lahat na China ang siyang maituturing na kaibigan ng naturang bansa.
Una nang kinilala ni Pangulong Duterte ang China bilang siyang pinakamainam na makipag-ugnayan sa NoKor para matigil ang nuclear threat nito.
—-