Isa si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal ng pamahalaan na unang nagparehistro para sa pagsisimula ng pagpapatupad ng National Identification system.
Batay sa ipinalabas na larawan ng Malakanyang, kasabay ni Pangulong Duterte na nagpa-biometric para sa registration process ng national ID sina Senador Christopher Bong Go at Executive Secretary Salvador Medialdea.
Pinangsiwaan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang naturang proseso sa Malakanyankang.
Agosto 2018 nang lagdaan ni Pangulong Duterte ang Philippine Identification Act na naglalayong pag-isahin, pagtugmain at pagsama-samahin sa iisang national ID system ang paulit-ulit at napakaraming government ID sa bansa.
Maliban sa bawat Philsys act number ng isang indibidwal, makikita rin sa naturang ID ang buong pangalan, larawan, kasarian, petsa ng kapanganakan, blood type at tirahan.