Niresbakan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Communist Party of the Philippines Founder Jose Maria Sison matapos siyang tawaging “bully” at isinasangkalan umano ang New Peoples Army sa hirit na extension ng martial law.
Sa kanyang talumpati sa Davao Investment Conference sa Davao City na hindi nagkamali si Sison sa pagtawag sa kanya ng “bully” dahil binu-bully niya ang mga kalaban at grupong gustong magpabagsak sa gobyerno dahil ito ang kanyang trabaho.
Ayon kay Pangulong Duterte, may nagaganap na giyera sa Marawi City at sinasabayan naman ng New People’s Army ang pagpatay sa mga sundalo at pulis.
Iginiit ng Pangulo na pagod na siya sa mga komunista dahil parang wala ng ginawang maganda ang gobyerno at nagsasayang lang ng panahon kaya’t itigil na ang pakikipag-usap at simulan ang bakbakan.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping
Pangulong Duterte rumesbak sa mga pahayag ni Joma Sison was last modified: July 22nd, 2017 by DWIZ 882