Ipagdiriwang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Pasko sa Davao City kasama ang kanyang pamilya.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nasa Davao City na ngayon ang Pangulo para doon mag-Pasko.
Gayunman wala pang impormasyon ang kalihim kung doon din magdiriwang si Pangulong Duterte ng bagong taon.
Una rito, binigyang diin ni Pangulong Duterte ang kahalagahan ng paggugol ng oras kasama ang pamilya tuwing may mahahalagang okasyon tulad ng Pasko at kaarawan.
Hinimok din ni Pangulong Duterte ang mga Filipino na isabuhay ang pagiging maunawain at kabaihan ni Hesukristo sa pamamagitan ng pagtulong sa mga mahihirap.