Sinupalpal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inilabas na pahayag ng European Union (EU) na bumabatikos sa war on drugs ng kanyang administrasyon.
Sa harap ng Filipino community sa Myanmar, muling iginiit ng Pangulo na walang karapatan ang alinmang bansa sa mundo na makialam sa mga usaping panloob ng Pilipinas.
Giit ng Pangulo, hindi niya hahayaang impluwensyahan ng mga banyaga ang mga Pilipino upang ipatupad dito kung anong kultura mayroon sila sa kanilang lugar.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Dahil dito, pinayuhan na lang ng Pangulo ang European Union na atupagin na lamang ang mga kinahaharap nilang problema kaysa pag-aksayahan siya ng panahon.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Jaymark Dagala | Report from Aileen Taliping (Patrol 23)