Kaunting pang-unawa ang apela ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga healthcare worker sa pagka-antala ng pagpapalabas ng kanilang benepisyosa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa kanyang talk to the people, nilinaw ni Pangulong Duterte na kailangan munang asikasuhin ng gobyerno ang mga gastusin na may kinalaman sa pagtugon sa pandemya.
Hindi naman anya ipagkakait sa mga health worker ang mga benepisyo partikular ang kanilang Special Risk Allowance.
Sa datos ng Department Of Health, tinatayang 1K na mga healthcare worker pa lamang ang nakatatanggap ng kanilang SRA.
Tayo nagrereklamo, hindi ko naman sinasabing mali iyan, tama ang ano ninyo kaya lang konting, pang-unawa po kasi kung meron lang talaga bakit hindi namin hindi ibigay,aanhin namin ang pera hindi naman amin. You will be the first to benefit, specially during this time. But the problem there are other expenses of the government for the health concerns, so ‘yan sana ho maintindihan niyo kami,” pahayag ng Pangulong Duterte.—sa panulat ni Drew Nacino