Kahit pa magpabalik-balik ang barko ng bansa sa West Philippine Sea ay wala talagang mangyayari ayon kay Pangulong Duterte.
Ito ang inihayag ng Pangulo sa kanyang ulat sa bayan kagabi, kasunod ng kagustuhang pumunta sa isla kung pahihintulutang makapasok doon, upang ipakita sa taong bayan na walang mangyayari kahit pumunta mismo siya isla.
Yung West Philippine Sea alam mo ang totoo niyan, pabalik-balik tayo. Ako gusto ko tinanong ko nga si Secretary Delfin Lorenzana, na pwede ba tayo pumunta doon papasok tayo sa spratly island ng barko natin, of course it should be a coast guard…na para ipakita lang natin sa Pilipino na maski na ilang balik natin doon wala talagang mangyari. Because we are not in the possession of the Sea, sa kanila e’,“pahayag ng Pangulo.
Ayon naman kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na maaari namang magpunta doon ang kahit sinong Pilipino at sa katunayan ay pinapayagang mangisda doon ng mga Chinese ang mga Pilipinong mangingisda.
Mr. President wala namang balakid ang ating pagpunta doon, kahit na ang navy ships natin, panay ang punta sa Pag-asa island at pagpatrolya doon. Ang ating coastguard ships patuloy ang pagpatrolya nila diyan Mr. President sa areas na maraming fishermen and pati na ang ating Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na barko ay nandiyan na rin, nagpapalit-palit lamang sila Mr. President dahil limitado ang mga barko natin.But we, our citizens can go there,in fact regulary ang ating mga barko diyan sa Palawan ay nagreresupply diyan sa ating mga islands sa Kalayaan group wala pong ano, wala pong ano. Pati ang ating mga fishermen ay libre naman silang makapangisda na hindi naman sila ginugulo ng mga Chinese,“wika ni Lorenzana.
Sagot naman ng Pangulo kay Lorenzana na kahit pumunta siya doon kasama ito at magtanong ay walang mangyayari at sasagutin lamang siya ng mga tsino doon dahil aniya habang buhay na mananatiling malaking tanong ang isyu ng WPS.
Kaya nga , ang China kung hanggang diyan lang, ‘wag ka lang magulo, even you go there, wala talagang mangyayari kasi kanila talaga ‘yan, para sa isip nila kanila.Even I go there I said with Secretary Lorenzana and sail there and ask question walang mangyayari sasagutin ka lang. Becausethe issue of West Philippine Sea remains a question forever,“ani ng Pangulong Duterte.
Matatandaang taong 2016 nang sabihin ng Pangulo na kung siya ay papalaring maging Presidente ay ipag-uutos niya sa navy na dalhin siya sa pinakamalapit na boundary sa Spratlys at sasakay siya ng kanyang Jetski na may dalang watawat ng Pilipinas at itatanim ito sa airport ng China.
I will ask the navy to bring me to the nearest boundary dyan sa Spratly – Scarborough. Bababa ako, sasakay ako ng jet ski, dala-dala ko yung flag ng Pilipino at pupunta ako doon sa airport nila tapos itanim ko, then I would say, ‘This is ours and do what you want with me.’ Bahala na kayo,” pahayag ng Pangulo noong 2016.—sa panulat ni Agustina Nolasco