Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang United Nations (UN) at European Union (EU) kaugnay sa pagiging kritiko ng mga ito sa ‘war on drugs’ ng pamahalaan.
Sa naging talumpati ng Pangulo sa Malakanyang, hinamon nito ang UN at EU na paalisin ang mga ambassadors nito sa loob ng 24 oras at putulin ang diplomatic relations sa Pilipinas.
Maliban dito, hinamon din ng Pangulong Duterte ang UN na tanggalin ang Pilipinas sa pagiging miyembro nito dito.
Now, the ambassadors of those countries listening now. Tell me, because we can have the diplomatic channel cut tomorrow.
You leave my country in 24 hours. All… All of you. You must have taken the Filipinos for granted.
Kasi ang pagtingin niyo kasi sa amin, walang alam sa Charter ng United Nations.
You think we are a bunch of morons here.
You are the one
Ani Pangulong Duterte, hindi magiging madali ang pagtangal sa Pilipinas dahil hindi umano papayag ang mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN partikuar na ang China at Russia.
You want to expel us? You try.
Bakit, papayag kaya ang Russia pati China?
You think China and the rest of the countries in ASEAN will agree to that?
Where will be the crucial vote that will come? The Security Council. And you think Russia and China will allow that?
Matatandaang binalaan ng Human Rights Watch, na naka-base sa New York, ang Pilipinas sa posibleng pagkatanggal nito sa UN Human Rights Council dahil sa paglabag umano ng bansa sa karapatang pantao.
Habang noong Hulyo lamang ay binisita ng EU lawmakers ang bansa, kung saan pinuna din ang anti-narcotics war ng Pangulo, na anila, higit 3,000 na ang napapatay sa anti-drug operations.
_____