Muling binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang imbitasyon sa China na magpadala ng kanilang barkong pandigma para bumisita sa Pilipinas.
Ito ang inihayag ng Pangulo sa harap ng mga abogado sa 16th National Convention of Lawyers ng IBP o Integrated Bar of the Philippines kagabi.
Ayon sa Pangulo, mas nanaisin pa niyang sumakay sa barko ng China kaysa sa barko ng Amerika na nakatakda ring dumaong sa bansa.
Dahil dito, sinabi ng Pangulo na si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na lamang ang kaniyang pasasakayin sa barko ng Amerika habang magpapasama naman siya kay Chinese Ambassador Xiao Zianhua para libutin ang barko ng China.
By: Jaymark Dagala