Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang sasalubong sa pagdating ng Moderna vaccines na siyang donasyon ng Estados Unidos sa pamamagitan ng Covax Facility.
Sa isang pahayag, sinabi ni Senador Bong Go na posibleng sa Agosto a-3 ang pagdating ng naturang suplay ng bakuna sa bansa.
Mababatid na ang pangakong ito ng Estados Unidos ay kasunod ng pagbisita sa bansa ng kanilang Defense Secretary kay Pangulong Rodrigo Duterte.