Sasampahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kasong multiple syndicated estafa ang TV network na ABS-CBN.
Ayon sa Pangulo, ito’y dahil sa kabiguan ng ABS-CBN na i-ere ang kanyang campaign advertisement noong nakaraang taon.
Nauna nang nagbanta ang Pangulo na haharangin ang renewal ng franchise ng ABS-CBN na mag-e-expire sa taong 2020.
“Na yung franchise ninyo, kumpiyansa kayo because ang franchise is renewable this year. If you are in operation for 25 years maganda ang record mo no need for another franchise, but I’m telling you now, I will be filing charges of multiple syndicated estafa”, ani Pangulong Duterte.
Diretsahan ding binanatan ni Pangulong Duterte si ABS-CBN Corporation chairman Gabby Lopez.
Binanggit ng Pangulo na nagbayad siya sa ABS-CBN ng halos tatlong milyong piso (P3-M) para mai-ere ang kanyang campaign ad, subalit hindi naman ito nangyari at hindi pa ibinalik ang kanyang pera.
“Gabby Lopez, I paid ABS-CBN P2,000,800, I was only able to gather money during the last trips of my candidacy noong tumaas na ang rating ko because historically triple triple triple lang ako. Then, suddenly two weeks nag akyat ako ng 36%. Ultimo yung pera nagmaka-awa ako sainyo kasi wala akong pera, wala akong historical propaganda sa TV, sabi pwede ba ito isingit ninyo? Tinanggap ninyo ang pera ko…pagkatapos ng election kinalimutan ninyo eh, hindi naman ninyo isinauli yung pera. You did it to me, kay Romulo, kay Cayetano, kay Chiz Escudero, at marami pa”, bahagi ng naging pahayag ni Pangulong Duterte.
By Meann Tanbio