Seryoso si Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-abolish sa PCGG o Presidential Commission on Good Government.
Ayon sa Pangulo, isang anti-graft body ang kanyang itatayo kapalit ng PCGG na ang pangunahing tungkulin ay habulin ang mga umano’y nakaw na yaman ng pamilya Marcos.
Idinagdag pa ng Pangulo na may napili na siyang magiging pinuno ng itatatag na ahensiya, pero tumanggi siyang pangalanan ito.
By Meann Tanbio