Binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang huling sona ang sexual abuse laban sa Overseas Filipino Workers lalo na ang mga nasa middle east.
Ayon sa pangulo, masakit para sa kanya na kapag nagtungo ang isang Pilipino sa naturang bansa upang magtrabaho ay mayroon umanong notion na kung ang mga ito ay binabayaran para mag-trabaho sa kanila.
Aniya, nagiging bahagi na ang sexual abuse sa kanilang teritoryo.
Sinabi pa ni Duterte na sumasabog siya sa galit kapag naiisip na may OFW’s na inaabuso sa ibang mga bansa, habang ang pera na kanilang ipinapadala sa pamilya sa Pilipinas, ay pinambibili lamang ng ilegal na droga.
Muli namang nanawagan si duterte sa kongreso na ipasa ang batas na magtatatag sa isang ahensiya na nakatuon sa pangangailangan at alalahanin ng Overseas Filipino Workers o ang Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos. —sa panulat ni Hya Ludivico