Sinaksihan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagwasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa P7.51-bilyong halaga ng iba’t-ibang droga sa Trece Martirez City sa Cavite.
Ayon sa PDEA, ang higit 1,300 kilograms ng mga ipinagbabawal na gamot ay nakumpiska sa magkakahiwalay na operasyon sa bansa.
Kabilang sa winasak ay ang mga sumusunod: shabu, cocaine, ephedrine, ecstacy, liquid shabu, marijuana, expired na gamot, at iba pa.
Kasunod nito, ipinagmalaki ng ahensya na patunay ito na hindi nare-recycle ang mga nakukumpiskang droga at pagtalima na rin ito sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sirain ang mga nasasabat na iligal na droga.
Sa huli, ikinatuwa ng PDEA ang pagsaksi ni Pangulong Duterte sa ginawang pagwasak sa iba’t-ibang klase ng ipinagbabawal ng gamot.
Patunay lang daw ito na seryoso ang pangulo na matuldukan ang problema ng bansa sa iligal na droga. —ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)