Sorpresang bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Barangay Kauswagan, Cagayan De Oro City, kagabi.
Binisita ng Pangulo ang pamilya ng pumanaw noong Pebrero 3 na si Solona Canoy, asawa ni dating Cagayan De Oro Mayor Reuben Canoy sa Don Mariano Canoy Colleges.
Matatandaang miyembro ng consultative body na itinalaga ng Pangulo si Attorney Reuben Canoy para sa charter change sa ilalim ng administrasyong Duterte na nagsusulong ng pederalismo.
—-