Pabor si Pangulong Rodrigo Duterte sa pananatili ng mga Amerikano sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Inihayag ito ng pangulo matapos inspeksyunin nito ang mga bagong air assets ng Philippine Air Force sa Clark Airbase, Mabalacat sa Pampanga.
Aminado ang pangulo na ayaw niya na may presensya ng mga kano sa pinagtatalunang teritoryo subalit kailangan aniya iyon upang manatiling neutral ang Pilipinas.
Nakikita rin ng pangulo ang pangangailangan para sa pananatili ruon ng mga kano dahil sa pagiging agresibo ng China sa pag-aangkin ng mga teritoryo.
Giit pa ng pangulo, ayaw niya sa Amerika dahil sa dami ng ipinangako nitong hindi natupad subalit ayaw niya ring humantong sa iringan sa pagitan ng China at iba pang bansa.