Tila pagpapakita ng karuwagan at pagiging talunan ang naging biro ni Pangulong Rodrigo Duterte na ituring na lamang ang Pilipinas bilang isa sa probinsya ng China.
Ito’y ayon kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao, hindi aniya magandang biro ang binitawang ito ng Pangulo dahil mas magbibigay daan pa ito sa China para maliitin ang Pilipinas.
Ipinakikita rin aniya ng Pangulo ang pagiging mahina at pagiging duwag nito sa China na para aniyang isang tuta na bahag ang buntot dahil sa hindi nito kayang ipagtanggol ang karapatan ng Pilipinas sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Pagbibira pa ni Casilao sa Pangulo, hindi aniya isang uri ng katatawanan ang usapin ng territorial dispute kaya’t dapat ilabas nito ang kaniyang tapang ngayon kung talaga aniyang mayruon siya nito.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jill Resontoc
Posted by: Robert Eugenio