Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ng kanyang anak na si Paolo Duterte bilang Vice Mayor ng Davao City.
Kinumpirma ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Matatandaang inanunsyo ng Davao City Vice Mayor ang kanyang resignation noong Pasko, December 25, 2017.
Sa kanyang pahayag, sinabi ng batang Duterte na nagbibitiw siya sa ngalan ng “delicadeza.”
Kabilang aniya rito ang pagkakadawit niya sa paglusot ng nasa anim na bilyong pisong shabu shipment mula sa China.
Maliban dito, binanggit din ng batang Duterte ang ilang insidenteng nangyari sa kanyang buhay kamakailan na konektado sa nabigong pagsasama nila ng unang asawa.
President Rodrigo Duterte has already accepted this afternoon the resignation of Davao City Vice Mayor Paolo Duterte—Presidential Spokesman Harry Roque | via @jopel17 pic.twitter.com/vSUlSfOWRb
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 5, 2018