Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tinanggihan niya ang alok ng ilang pribadong kompanya para magsagawa ng malawakang land reclamation activities sa Manila Bay dahil sa umano’y corruption issues.
Sa kanyang talumpati sa Camp Crame sa Quezon City, binanggit ng Presidente na itinigil ang pagpoproseso ng libu-libong aplikasyon para sa proyekto sa lugar dulot ng sinasabing korapsiyon.
Bagama’t walang binanggit na mga kompanya, ipinahiwatig ng Pangulong Duterte na kumita ito ng limpak-limpak na salapi sa mga reclamation proposals.