Muling nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na konektado sa iligal na droga ang ginawang pag-atake ng grupong Maute sa Marawi City.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa kaniyang pagharap sa mga sundalo ng 1st mechanized infantry brigade sa Tacurong City sa Sultan Kudarat kahapon.
Ayon pa sa Pangulo, pursigido siyang tapusin ang gulo sa Marawi City sa loob lamang ng 24 na oras ngunit dahil sa mga batas na dapat na sundin ng mga sundalo kaya ito nagtagal.
Kasunod nito, nag-alok din aniya si MNLF Founding Chair Nur Misuari ng 2000 mga tauhan para tumulong sa pakikidigma laban sa Maute ngunit tinanggihan muna ito ng Pangulo.
PAKINGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Duterte
Ibinunyag din ng Pangulo na tinangka siyang kausapin ng ina ng magkapatid na Omar at Abdullah Maute para makipag negosasyon ngunit ibinasura niya rin ito.
PAKINGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Duterte
By: Jaymark Dagala