Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na “purely criminal” ang rome statute ng International Criminal Court o ICC na nilagdaan ng Pilipinas noong 2011.
Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa commencement exercises ng PMA ‘Alab-Tala’ class of 2018, sinabi nito na hindi kasi dumaan sa critical publication ang naturang treaty dahil basta na lamang itong nilagdaan ng dating pangulo at niratipikahan ng kongreso.
“If there is no publication, supreme court….it is fatal especially if criminal law. Yung treaty na yan is purely it does not talk of anything else but of the court, the prosecution, pati yung definition ng crimes sa death penalty, it must be published.”
Paliwanag ng pangulo, hangga’t hindi nailalathala sa official gazette ang isang isinulong na batas, malinaw na paglabag ito sa konstitusyon.