Tinawag na traydor ni Senadora Leila de Lima si Pangulong Duterte matapos umanong ibenta ang Pilipinas sa China.
Reaksyon ito ni De Lima sa pahayag ng pangulo na si De Lima kasama sina Senador Antonio Trillanes IV at Vice President Leni Robredo ang nasa likod ng mga tangkang pagpapatalsik sa kanya sa puwesto.
Ayon kay De Lima, patuloy ang pagbanat sa kanya ng Pangulo para pagtakpan aniya ang kapalpakan ng pamahalaan at ang katraydoran ng Punong Ehekutibo sa bansa.
Pinatutungkulan ni De Lima ang pagpayag ng Pangulong Duterte sa China na masurvey ang Benham Rise na bahagi aniya ng teritoryo ng bansa.
By Ralph Obina