Tinawag na war freak ng ilang international media si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa mga maaanghang na salitang binibitawan nito sa mga nakakabanggang bansa.
Sa lumabas na editoriyal ng “The Nation” news website ng Thailand, ibinabala nito na maraming makakaaway na bansa ang Pangulong Duterte kung hindi nito ibababa ang kanyang tono.
Binatikos din ng nasabing pahayagan ang Pangulo dahil sa mga birada nito laban kay US President Barack Obama gayundin sa nakaaalarmang bilang ng mga nasasawi kasunod ng kampanya kontra iligal na droga.
Sa huli, sinabi ng nasabing news organization na hindi kakayanin ng administrasyong Duterte na maisulong ang international policies nito kung patuloy na kakalabanin ang ibang bansa.
By Jaymark Dagala