Tila napapatid na ang pasensya ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon na nangunguna sa imbestigasyon sa umano’y anomalya sa COVID-19 response funds ng DOH.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi na nakatutuwa ang dami ng government official na ipinatatawag ni Gordon tuwing may Committee hearing na inaabot ng mahigit limang oras.
Sa halip anya na tumutok sa trabaho ay inaaksaya ng mga ipinatatawag na opisyal ang kanilang oras sa hearing dahilan upang matengga ang mga mahalagang programa ng gobyerno
Tama ba ‘yang ginagawa ninyo? I mean, are you crazy? Bakit ganoon? Can you not approximate the time that you would take to make these persons testify, question and answer? Lalo na ikaw Gordon, abogado ka, ano pa kakalkalin mo, nandiyan na ang medisina ginagamit na namin, para sa akin tapos na ang trabaho, pharmally man iyan o droga then we will talk about it, ” pahayag ni Pangulong Duterte.
Naniniwala naman ang Pangulo na walang bigat ang isinasagawang hearing ni Gordon sa Senado dahil sa pakikipag-ugnayan nito kay Retired Police Colonel Eduardo Acierto na sangkot umano sa iligal na droga.
Gordon now is in…paano siya lalabas nito, because I will say publicly, Gordon has forever loss his credibility…You know Senator, you are a lawyer you pretend to, wala naman akong nakitang nagtrial ka. Most of your time doon sa Subic, hindi ka na pinansin ni Ramos habol ka pa ng habol kawala mo naman,” wika ng Pangulo.—sa panulat ni Drew Nacino