Pinalagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang banat ng kanyang mga kritiko na italaga si dating Senador Bongbong Marcos sa DILG o Department of Interior and Local Government.
Ito’y bilang kapalit ng kaniyang sinibak na si dating Interior Secretary Ismael ‘Mike’ Sueno makaraang isumbong sa kaniya dahil sa pagkakasangkot sa katiwalian.
Ayon sa Pangulo, hindi niya maaaring italaga ang nakababatang Marcos sa alinmang puwesto sa gobyerno dahil mababalewala ang inihain nitong electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Una rito ay sinabi ng oposisyon sa Kamara na planado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsibak kay dating Secretary Ismael ‘Mike’ Sueno sa DILG.
Ayon kay Akbayan Partylist Tom Villarin, ito’y upang ganap nang mai-upo bilang kapalit ni Sueno si dating Senador Bongbong Marcos sa nasabing posisyon.
Giit ni Villarin, batid naman ng publiko na may pangako si Pangulong Duterte sa mga Marcos na pinagkakautangan niya ng malaki noon pang panahon ng kampaniya.
Dahil dito, sinabi ng mambabatas na inaasahan na nila ang ganitong uri ng scenario kaya’t walang dahilan upang magtaka sila sa sinapit ni Sueno.
By Jaymark Dagala