Tiniyak ng Pangulong Rodrigo Duterte na hindi mabibigyan ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mga drug pushers at drug addicts.
Ayon sa pangulo, hindi nya sasayangin ang pera ng bansa sa mga taong sumisira sa Pilipinas at pumapatay sa mga Pilipino.
Subalit bukas ang pangulo na mabigyan ng bakuna ang mga npa sa kundisyong hindi nila guguluhin ang militar sa panahon na abala ang mga ito sa pamamahagi ng bakuna.
Nagbiro pa ang pangulo na gusto nyang huwag kapitan ng COVID-19 ang mga NPA upang magkaruon naman sila ng maliit na tsansa laban sa kanyang militar.