Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging mabilis ang proseso ng pagpapauwi sa mga OFW na nais nang bumalik ng Pilipinas.
Ayon sa pangulo, makakaasa ng tulong mula sa gobyerno ang mga OFW na nais magbalik bansa.
Masakit kasi aniya para sa pangulo na mawalan sila ng tabaho sa ibang bansa lalo na ngayong pandemya na wala silang maiuuwi sa kani-kanilang pamilya.
Kaya pangako ng pangulo sa mga OFW, gagawin nito ang lahat para maging mabilis ang paguwi ng mga ito sa Pilipinas.