Siniguro ni Pangulong Rodrigo Duterte na nananatiling matatag at buo ang mayorya ng mga miyembro ng PDP-laban.
Sa naging talumpati ni Pangulong Duterte sa national assembly ng ruling party sa Clark, sinabi nitong walang ibang dapat na sisihin sa nangyayari ngayong kaguluhan sa PDP laban kundi si Executive Vice Chairman Koko Pimentel.
Binanatan ng punong ehekutibo ang batang pimentel dahil sa mali nitong pamamalakad sa partido partikular na ang pag-appoint nito kay Sen. Pacquiao bilang Acting President ng ruling party.
Binigyang diin ni Pangulong Duterte na hindi niya malaman kung bakit naisip ni Sen. Pimentel na italaga ang boxing Senator sa nabanggit na posisyon.
Giit ng Presidente na walang umiiral na batas na nagsasabing may acting president sa partido at ang pagkakamali aniya dito ay na kay Pimentel at hindi kay Pacquiao.
Mensahe pa ni Pangulong Dutere sa mga PDP-laban members na huwag sanang masilaw sa posisyon dahil lamang sa pansariling ambisyon.