Direktang tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang mga komunista ang mga progresibong grupo at mga miyembrong mambabatas ng mga ito.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, hindi aniya ito red tagging bagkus ay pagpapatunay lamang sa mga naunang pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na sila ay mga komunista.
Muli ring iginiit ng Pangulo na wala nang sinusunod na ideolohiya ang mga naturang grupo at tanging nais lamang ay pabagsakin ng gobyerno.
Ilang tao na galing doon sa inyo na openly attack you not only criticized on your shared brutality in this communal war. Communal war ito there is no longer any ideology gusto lang nila umagaw ng gobyerno , mga bobo naman… ″, pahayag ni Pangulong Duterte.″
Samantala, personal ding binanatan ni Pangulong Duterte si Bayan Muna Representative Carlos Zarate.
Ani Pangulong Duterte, alkalde pa lamang siya ng Davao city ay alam niya nang miyembro at kasabwat ng komunistang grupo si Zarate.
Alam mo sa tingin ko kailangan mo ng pera, that’s the only reason, komunista ka to defend a oligarch, hindi ka naman Summa Cum Laude pareha naman tayong pumasa ng bar, kung magsalita ka you make it appear na we are, will kill the government. Alam mo sa totoo Zarate kapag nakikita kita sa TV para akong nakakakita ng tae iro ″,ani ng Pangulo.