Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na pabor sa Pilipinas ang magiging hatol ng International Tribunal.
Ito’y may kaugnayan sa reklamo ng pamahalaan laban sa China hinggil sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Sinasabing ipapalabas na ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands ang desisyon nito sa Hulyo 12.
Subalit nilinaw ng Pangulo na pabor man o hindi ay tatanggapin niya ang magiging pasya ng naturang korte.
By Jelbert Perdez