Tiwala ang Pangulong Rodrigo Duterte na paninindigan ng Tsina ang pangako nitong hindi magtatayo ng anumang istraktura sa Scarborough Shoal.
Sa isang press conference, sinabi ng Pangulo na kumpara sa Estados Unidos, mas may tiwala sya sa word of honor ng China.
Sa kabila nito, muling tiniyak ng Pangulo na darating ang panahon sa kanyang administrasyon na igigiit nya sa China ang panalo ng Pilipinas sa International Arbitration Court na nagbabasura sa nine dash line ng China sa South China Sea.
Sa ngayon anya, mas interesado syang makipagkaibigan at makipagkalakalan muna sa China dahil mas kailangan ito ng Pilipinas.
Itinanggi rin ng Pangulo na nagbago na ang kanyang posisyon na handa syang mag jeski patungo ng Spratlys para itanim doon ang bandila ng Pilipinas.
PAKINGGAN: Ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Impeachment complaint vs VP Robredo dapat nang itigil – President Duterte
Pinagsabihan ng Pangulong Rodrigo Duterte na itigil ang pagpapa-impeach kay Vice President Leni Robredo.
Ayon sa Pangulo, wala syang nakitang malaking dahilan para sampahan ng impeachment si Robredo.
Sinabi ng Pangulo na bahagi ng demokrasya at freedom of speech ang ginagawang pagbatikos sa kanya ni Robredo.
Gayunman, hindi nasagot ng Pangulo ang katanungan kung wala syang nakikitang mali sa pagpapalabas ni Robredo ng video message sa United Nations kung saan sinabi nya ang libo-libong napatay sa extra judicial killings o EJK at palit-ulo scheme sa PNP o Philippine National Police.
Sinabi ng Pangulo na hindi nya nagawang magbasa ng pahayagan habang nasa Myanmar at Thailand kayat wala pa syang ideya sa mga nangyari.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Len Aguirre