Opisyal nang sumabak si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagka-senador sa 2022 elections taliwas sa kanyang mga naunang pahayag na kakandidato siya sa pagka-bise presidente.
Kinumpirma ni Senator Bong Go na naghain si Pangulong Duterte ng certificate of candidacy sa pagka-senador sa Commission On Elections headquarters sa Intramuros, Maynila sa pamamagitan ng isang abogado, kahapon.
Ayon naman kay PDP-Laban Secretary-General Melvin Matibag, tatakbo ang pangulo sa pagka-senador sa ilalim ng pederalismo ng dugong dakilang samahan bilang substitute sa isang Mona Liza Visorde.
Nagpasya anya si Pangulong Duterte na sumabak sa senatorial race upang maiwasan ang “legal complications” bunsod na rin ng hidwaan sa loob ng PDP-Laban na naging rason ni Go nang maghain ito ng c.o.c. sa pagka-pangulo sa ilalim ng ibang partido.
Una nang inamin ng senador na hindi niya nais na kumandidato sa pagka-bise presidente ang pangulo dahil ayaw umano niyang magkasamaang-loob si Duterte at anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte, na isa rin sa vice presidential candidate. —sa panulat ni Drew Nacino