Tuluyan nang pinatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pakikipag-usap pangkapayaan ng pamahalaan sa CPP-NPA o Communist Party of the Philippines-New People’s Army.
Sa kanyang talumpati kahapon, sinabi ni Pangulong Duterte na kanya nang inutusan sina Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza at Labor Secretary Silvestre Bello III na ipagbigay alam sa NDF o National Democratic Front ang kanyang desisyon.
Napagod na aniya siya sa mga demand ng makakaliwang grupo gayung patuloy pa rin ang mga pag-atake ng NPA sa tropa ng pamahalaan.
Muli ring inulit ni Pangulong Duterte ang kanyang banta na ideklarang terorista ang NPA.
—-