Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang militar na isunod ang NPA o New People’s Army oras na tuluyan nang mapulbos ang Maute Terror Group.
Sa kanyang pagbista sa mga sundalo sa Marawi City kahapon, pinayuhan ni Pangulong Duterte ang mga sundalo na huwag magkumpiyansa dahil muli na namang nabuhay ang mga komunistang rebelde.
Dagdag pa ng Pangulo, dapat na sumailalim sa re-orientation ang mga sundalo para sa pagharap ng mga ito sa NPA na aniya’y marami nang utang sa pamahalaan.
Kasabay nito, inihayag na rin ng Pangulo na tuluyan na niyang puputulin ang pakikipag-usap kay Jose Maria Sison.
By: Krista de Dios / Aileen Taliping
Pangulong Duterte tuluyan nang pinutol ang ugnayan kay Joma Sison was last modified: July 21st, 2017 by DWIZ 882