Tumulak na patungong Lima, Peru si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay para sa dadaluhan niyang taunang Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Leaders’ Summit na pupuntahan din ng mahigit 20 ekonomiya.
Ayon sa Pangulo, malinaw ang kanyang mensahe sa APEC na bukas ang Pilipinas para sa pagne-negosyo.
Partikular na ibebenta ng Pangulo ang MSME’s o micro, small and medium enterprises sa bansa.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Maliban dito, ilalatag din ng Pangulo sa APEC ang kanyang foreign policy at mga kampanya sa pamamahala.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Ralph Obina