Tumulak na patungo ng Malaysia ang Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang isang araw na state visit.
Dadaan muna ang Pangulo sa Thailand para magbigay ng kanyang pakikiramay sa royal family at sa mamamayan ng Thailand sa pagyao ni King Bhumibol Adulyadej.
Pagdating sa Malaysia ay inaasahang haharap ang Pangulo sa Filipino community na binubuo ng tinatayang 150,000 Pilipino.
Sa kanyang departure speech, sinabi ng Pangulo na bubuksan niya kay Malaysian Prime Minister Najib Razak ang isyu ng seguridad sa Sulu-Sulawesi Sea kung saan talamak na di umano ang pamimirata at pangingidnap na hinihinalang kagagawan ng Abu Sayyaf.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Hero’s burial for Marcos
Samantala, hugas kamay ang Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin ng paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Ayon sa Pangulo, nagdesisyon na ang Korte Suprema at anuman ang itinatakda ng batas ay ang siyang dapat manaig.
Binigyang diin ng Pangulo labas na dito ang usapin sa pagiging diktador at kurap umano ng dating Pangulong Marcos.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Nanindigan ang Pangulo na wala sa kanya ang kapangyarihang baguhin ang desisyon ng Korte Suprema na pumapabor sa paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Una rito, matatandaang sinabi ni Senate President Koko Pimentel na kanyang hihikayatin na magbago ng isip at pigilan ang pagpapalibing kay Marcos.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Len Aguirre | Ralph Obina