Tutol si Pangulong Rodrigo Duterte sa televised political debates ng mga kandidato sa national post.
Sa kanyang talumpati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Bangued, Abra, inihayag ni Pangulong Duterte na aksaya lamang sa pera at panahon ang pagdalo sa mga debate.
Gayunman, umaasa ang punong ehekutibo na mas magiging maayos ang mga debate sa mga susunod na halalan.
“The next presidential debates in the coming years would be a more educated one, give all the time to the candidates to expound and talk about the issues the one to bring to the people. Otherwise, it is just an excise of money.”
Samantala, pinayuhan ni Pangulong Duterte ang mga botante sa pagpili ng kanilang kandidato.
“Mamili kayo ng presidente, congressman, wag kayong pumili ng mayayaman. Pagka yung mga milyonaryo na dati may mga korporasyon o foundation, gagamitin lang kayo niyan.”