Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na makukumbinsi niya si Moro National Liberation Front o MNLF Chair Nur Misuari na lumahok sa diskusyon patungkol sa panuklaang BBL o Bangsamoro Basic Law.
Ayon sa pangulo, layon nito na masilip ang anumang posibleng umusbong na problema sa pagitan ng MILF, MNLF at iba pang grupo sa Mindanao sa ilalim ng BBL.
“We will try to pass the BBL. I hope Chairman Misuari to join the talks if there are corrections or maybe additions or provisions that would not sit well, with interest of the southern part of Mindanao then maybe we can realize altogether the friction of MILF, MNLF and the rest of Mindanao.”
Ayon pa sa pangulo, ayaw niyang humantong sa giyera ang hindi pagkakaintidihan ng MNLF, MILF at pamahalaan.
“Pag hindi tayo nagka aregluhan, eh akong nasa gitna, nahirapan ako sinong barilin ko? Sundalo ng republika o sundalo ng MI (MILF) pati MN (MNLF) ?”