Iginiit ni Senador Antonio Trillanes IV na dapat madaliin na ng Ombudsman ang imbestigasyon kaugnay ng kasong plunder na kanyang isinampa laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Trillanes, ito ay matapos ng tila pag-amin ng Pangulo sa kanyang talumpati kamakailan, sa harap ng Philippine Chinese Charitable Association na siya ay naging korap.
Giit ng senador, patunay aniya ang nasabing pahayag ng Pangulo sa pagiging tiwali nito at sapat na batayan ng para bilisan ng Ombudsman ang imbestigasyon sa kasong kanyang ipinagharap laban sa punong ehekutibo.
Krista De Dios | Story from Cely Bueno