Umapela ng reporma si Pangulong Rodrigo Duterte sa Simbahang Katolika.
Ito’y makaraang aminin ni Pope Francis ang pang-aabuso ng mga pari at obispo sa mga madre.
Sinabi ng Santo Papa na alam niya ang naturang pang-aabuso at dapat na kumilos ang simbahan para matuldukan ito.
Kinwestyon din ng pangulo ang mga doktrina ng Simbahang Katolika at itunuring na ipokrito ang mga pari.
Magugunitang una nang nilinaw ng Malakanyang na galit lamang ang pangulo sa immoral na gawain ng mga pari at obispo at hindi sa simbahang katolika bilang institusyon.
“The Pope is in Dubai. He admitted yesterday na ‘yung mga madre, ‘yun ang konsumo ng mga pari. Sinasabi ko na sa inyo eh The Church has to reform.” Pahayag ni Pangulong Duterte.