Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso na magpasa na ng batas para sa pagtatatag ng Center for Disease Control, Virology at Vaccine Institute ng bansa.
Ito’y sa gitna ng kinakaharap na COVID-19 pandemic at kakulangan ng supply sa bakuna.
Ayon kay Pangulong Duterte, kumpiyansa siyang kakayanin din ng mga filipino ang pagkakaroon ng sariling mga ahensyang nakatutok sa disease control at vaccine manufacturing.
Una nang inihayag ng Department Of Science and Technology na inaasahang itatayo ang kauna-unahang virology institute ng bansa sa katapusan ng 2023 o 2024 sa New Clark Economic Zone sa Capas, Tarlac.
I, thus, fervently ask Congress to enact a law creating the Center for Disease Prevention and Control and the Virology and Vaccine Institute in the Philippines, Maski gaano tayo kahirap. However poor we are, I think that the Filipinos, given the proper support and the equipment that they have to use, I am sure that the Filipino brain can also process or make toxins in the future,” bahagi ng SONA speech ni Pangulong Rodrigo Duterte.—sa panulat ni Drew Nacino