Umatras si Pangulong Rodrigo Duterte sa hamong debate kay Retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio.
Sa halip ay inatasan ng Pangulo si Presidential Spokesperson Harry Roque na humarap kay Carpio.
Ayon kay Roque, sinunod ng pangulo ang payo ng kaniyang gabinete na tutol sa partisipasyon ng punong ehekutibo sa nasabing debate.
Handa naman umano si Roque na harapin si Carpio at kaniya itong itinuturing na isang karangalan.
Ngunit kung ang Pangulo aniya ang haharap kay Carpio hindi ito magiging patas dahil siya umano ay isa na lamang ordinaryong abogado habang ang kakaharapin niya ay Presidente ng Pilipinas.
Una rito, kumasa si Carpio sa hamon ng Pangulo na debate kung saan tatalakayin ang usapin sa West Philippine Sea.