Sasampalin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pitong miyembro ng Human Rights Watchdog na nagpanggap aniyang delegasyon ng European Union Mission kapag nagtagpo ang kanilang landas.
Inihayag ito ng Pangulo matapos magalit sa EU at magbantang puputulin ang ugnayan sa mga ito palalayasin ng bansa.
Una nang nilinaw ng EU na wala silang ginagawang hakbang para alisin ang Pilipinas sa United Nations Human Rights Council dahil sa isyu ng extra judicial killings.
Kumambiyo naman ang Malacañang at nilinaw na hindi ang EU ambassadors ang direktang pinatungkulan ng Pangulo sa kaniyang galit nuong Huwebes.
Ibinase rin aniya ng Pangulo ang matalas na pananalita sa mga nabasa nito sa balita.