Malamig ang Malakaniyang sa paggigiit ng Amerika na tumulong at magkaroon ng mas malaking papel upang labanan ang mga galamay ng ISIS sa Pilipinas.
Kasunod ito ng pangamba ng ilang Republican Senators na makapagtatag na ng baluwarte ang ISIS sa Timog Silangang Asya.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, bagama’t bukas sila sa anumang suporta mula sa ibang bansa ngunit kaya ng militar ng Pilipinas na makipagbakbakan sa Maute Terror Group.
Patunay aniya rito ang paghadlang ng tropa ng pamahalaan na makapagtatag ng probinsya ang ISIS sa Marawi City kahit pa makipag-alyansa ang Maute Group sa mga dayuhang terorista.
Naipakita rin aniya ng mga Pilipino ang pagiging matatag nito sa panahon ng krisis kahit walang tulong na hinihingi o natatanggap mula sa ibang bansa.
Paglilinaw din ni Abella, wala pang abiso mula mismo sa Pangulo kung tinatanggap nito ang alok ng Amerika para tumulong durugin ang mga teroristang nanggugulo sa Mindanao.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping
Pangulong Duterte wala pang abiso na tinatanggap ang alok na tulong ng US kontra ISIS was last modified: June 24th, 2017 by DWIZ 882